Joshua at Julia, masayang makatrabaho ang mga batikang aktor

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2018 12:00 PM | Updated as of Jul 10 2018 12:48 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Masayang nagbigay reaksyon sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa pagkakasama nila sa mga iniidolong personalidad sa magkasunod nilang mga pelikula.

Nauna na sina Sharon Cuneta at Robin Padilla sa "Unexpectedly Yours" at ngayon si Kris Aquino sa "I Love You Hater."

"Blessed siyempre kasi 'yun mga stars na 'yan dati, mga beterano na 'yan. Bihira na sila gumawa ng pelikula at kapag napapasabak kami sa ganyan, like ngayon si Ms. Kris Aquino naman, eh sobrang blessed kami," ani Joshua.

"It's still so surreal ... working with all of them. Marami kami natututunan. Nakaka-inspire, napaka-humble nila at napakasipag magtrabaho," ani Julia.

Nai-share din ng JoshLia ang mga natutunan sa Queen of All Media na hindi nila makakalimutan.

"Palagi siya nag-a-advise sa akin about sa mga interview ko. Ang sabi nya less talk, less mistake," ani Joshua.

"Favorite ko is 'yung don't forget about your health, lalo na ako workaholic. Ako 'yung after mapuyat at lahat-lahat kapag nakakumpleto ng eight hours gusto ko trabaho na agad," ani Julia.

Excited na sina Joshua at Julia sa trip to New York na naipangako sa kanila ni Kris kapalit ng box office ng "I Love You Hater."

Magsisilbing tour guide ni Joshua si Julia sa kanilang bakasyon.

"Oo naman! Naka-libre kami doon," ani Julia.

"Alam na niya kasi ang New York, siya ang tour guide ko doon," ani Joshua.

Ipapalabas na ang "I Love You Hater" sa July 11.