SILIPIN: Arci Muñoz sumalang bilang Star Patroller

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2018 11:51 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sumabak nitong Huwebes sa unang pagkakataon ang "Since I Found You" star na si Arci Muñoz sa paghahatid ng balitang showbiz sa "TV Patrol."

Nagsilbing guest Star Patroller ang aktres at humalili pansamantala kay Gretchen Fullido.

Kabilang sa mga ulat na inihatid ni Muñoz ay tungkol sa malalim na hugot ni Sarah Geronimo sa "Miss Granny," pagpili ni Catriona Gray kay Maymay Entrata sakaling isasadula ang kaniyang buhay, at ang "buwis-buhay" moments ni Erich Gonzales sa shooting ng pelikulang "We Will Not Die Tonight."

Narito ang ilang behind-the-scenes na retrato sa pagsalang ni Muñoz sa "Star Patrol" segment:

Kuha ni Fernando G. Sepe Jr., ABS-CBN News

Sa dulo ng programa, pinasalamatan ni Muñoz ang mga tagasubaybay sa primetime serye nila ni Piolo Pascual na "Since I Found You," na magwawakas sa Biyernes.

Inihayag din ni Muñoz na nais niyang mag-Star Patrol ulit kung mabibigyan ng pagkakataon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.