Bagong PAGASA website inilunsad

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2018 11:21 AM | Updated as of Jun 11 2018 12:08 PM

MANILA - Ilang araw matapos pormal ideklara ang simula ng tag-ulan, inilunsad ng state weather bureau PAGASA ang bago nitong website ngayong Lunes.

Tampok sa website ang interactive maps upang mas madaling maintindihan ng publiko ang lagay ng panahon.

Nakalagay rin dito kung ilan ang inaasahang maapektuhan ng isang sakuna, mga lugar na babahain, update sa lebel ng tubig sa mga dam, at lagay ng mga alon sa dagat.

May section din sa website para sa academic research at impormasyong magagamit ng mga magsasaka.

Maaaring ma-access ang website sa desktop at laptop, at may bersyon ding mobile application.

Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.