Abalang tindera, sinikwatan ng bag habang nagbebenta

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2018 05:28 PM

Nakuhanan ng CCTV ang paninikwat sa bag ng isang tindera sa Novaliches, Quezon City.

Abala sa pagtitinda ng mga gulay ang biktima sa Bryan Market, Novaliches noong Sabado, Hunyo 23, nang pasimpleng tinangay ng isang lalaki ang kaniyang bag.

Tila minanmanan pa ng lalaki ang tindera bago kuhanin ang bag ng biktima.

Ayon sa tindera, laman ng kaniyang bag ang perang nagkakahalagang P19,000.

Nakikipagtulungan na ang tindera sa mga pulis para matunton ang kumuha ng kaniyang bag.

Ipinapayo rin ng mga awtoridad na lagi ring pag-ingatan ang personal na gamit mula sa mga salisi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.