ALAMIN: Lagay ng panahon sa paglabas ni 'Gardo' sa PAR

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2018 12:58 PM

Nananatili ang lakas ng bagyong "Gardo" habang tinutumbok ang hilagang Taiwan.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 635 kilometro hilagang silangan ng Basco, Batanes.
    
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 170 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong pumapalo sa 210 kilometro kada oras.
    
Wala pa ring epekto sa bansa ang bagyo pero palalakasin nito ang habagat na magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon, partikular na sa mga sumusunod:

  • Zambales
  • Bataan
  • Cavite
  • Batangas
  • Mindoro
  • Northern Palawan
  • Romblon

Asahan naman hanggang Miyerkoles ang pabugso-bugsong pag-ulan sa Metro Manila, Western Visayas, at nalalabing bahagi ng Central Luzon, at Southern Luzon
    
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo Martes ng gabi o Miyerkoles ng umaga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.