Sir na si Kuya: Dating sekyu, nagtuturo na sa eskwelahan na binantayan

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2018 12:33 PM

Nagsimula nang magturo sa Grade 2 si Erwin Macua, isang dating security guard. ABS-CBN News

CEBU CITY - Simula Agosto 1, guro na ang dating security guard na si Erwin Macua sa paaralang dati na niyang pinagsisilbihan.

Sa kanyang unang linggo bilang guro ng grade 2 sa St. Theresa's College-Cebu, marami pa siyang dapat matutunan at naghahanda rin siya ng mahabang pasensiya lalo na sa pagdisiplina kanyang mga mag-aaral.

Kuwento ni Macua, matagal na niyang pangarap na maging guro kaya ngayong natupad na ito, sisiguruhin niyang magiging responsable sa kaniyang trabaho.

Nami-miss man niya ang pagiging security guard minsan, mas nakakapaglaan na siya ng oras sa kanyang pamilya ngayon, ani Macua. Hangad niyang lalong maging inspirasyon sa lahat ng taong sumubaybay sa kanyang buhay.

Nagtapos si Macua na cum laude sa STC at nakapasa sa licensure exam para sa mga guro nitong nakaraang taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.